Ang paglalarawan ng mga taong may kapwa-tao at walang kapwa tao sa iba\u27t-ibang sitwasyon sa pagtratrabaho

  • Joson, Christine M.
  • Ramos, Rhea K.
  • Toledo, Christina F.
Publication date
January 1995
Publisher
Animo Repository

Abstract

Ang exploratoryong pag-aaral na ito ay ukol sa paglalarawan ng may kapwa-tao at walang kapwa tao ayon sa mga iba\u27t-ibang sitwasyon sa pagtratrabaho. Ang mga napiling sitwasyon ay sa lokal na tagpo, sa komunidad at sa ibang bansa. May apat na grupo: taga-pamahala at manggagawa social workers at overseas contract workers. Ang katutubong metodo na ginamit ay ang ginabayang talakayan upang makuha ang mga datos. May apat na lantad na paglalarawan sa may kapwa-tao sa lahat ng grupo. Ang may kapwa-tao ay nagtutulungan bilang isang pamilya. Ang paglalarawan sa walang kapwa-tao ay traydor, mapagsamantala, mukhang pera, nagsisiraan, at hindi maasahan

Extracted data

Topics

We use cookies to provide a better user experience.